Wednesday, December 2, 2009

Lupa ng polusyon
Maaaring isaalang-alang ang pinagmulan ng kalakasan ng lupa na istraktura at hindi natural substance pakikilahok sa polusyon sanhi ng lupa. Ang ganitong mga nasa hustong gulang na mga halaman sa lupa at lupa pagpapapasok ng sariwang hangin ay hindi nakikinabang sa pamamagitan ng tulad ng isang worm. ang kinikita ay hindi maaaring mabuhay hayop. Huling pollutants mula sa lupa sa mga halaman, upang maabot ang mga tao sa pamamagitan ng mga kadena ng pagkain. Ospital ng basura, tulad ng mga nahawa ng basura, sanhi ng pagkalat ng sakit.
ReviewReviewReviewReviewReviewPolusyon: Mga sanhi at epekto at ng polusyon at mga paraan upang ito ay mabawasanJun 19, '07 4:00 AM
for everyone
Category:Other

Ray Anthony Villegas

Madalas nating naririnig ang salitang polusyon sa telebisyon o di kaya naman ay nababasa sa mga libro o kaya naman mga pahayagan. Ngunit karamihan sa atin ay hindi nalalaman kung gaano na kalala ang sitwasyon ng polusyon sa ating kalikasan. Sa panahon ngayon ayon sa isang pag-aaral ang mga ilog sa Asya ay ang mga pinakamaduduming ilog sa buong mundo at kasama ang Pilipinas dito. Ayon sa pag-aaral, mas madami ng tatlong beses ang mga bakterya mula sa dumi ng tao ang mga ilog sa Asya kumpara sa average ng pangkahalatang ilog sa buong daigdig. Bukod pa rito, halos kalahati ng buong populasyon sa buong mundo ang nakakaranas ng problema sa polusyon sa tubig at taon-taon halos sampung milyon ang namamatay dahil lamang sa mga maduduming tubig na iniinom. Sa ngayon, talagang malala na ang problema natin sa polusyon. Ngunit ano nga ba ang mga sanhi nito? Saan ba ito nagmula? Ano ang mga maaaring maging epekto nito sa atin? At mas mahalaga, paano natin ito mapupuksa o kaya naman ay mabawasan?

Sinasabing maaring nagsimula ang polusyon noong una pang panahon. Noong natutunan ng tao ang pagamit ng apoy, malamang ay nakapagpakawala ang apoy ng CO2 na siyang maaring naging sanhi ng unang polusyon. Maari rin naman na noong unang panahon, ang mga dumi ng tao ay basta na laman tinatapon sa mga ilog at iba pang katawan ng tubig. Ito naman ay maaring naging simula ng polusyon sa tubig ngunit hindi naman naging masama ang epekto ng mga unang sanhi ng polusyon na ito dahil sa hindi naman ganoon kalala at kalaki ang epekto nito.

Noong panahon ng mga dakilang sibilisasyon, mas naging madalas ang polusyon. Marahil ay mas dumami na ang mga tao noong panahong iyon at mas dumami pa ang kanilang mga kalat at duming itinatapon. Bukod pa doon, ginagamit pa ang apoy na siyang nakapagpadumi sa hangin. Ngunit talagang lumala na ang ating problema sa polusyon noong nagsimula na ang panahon ng pagiging industrialisado dahil sa dito na nagawa ang stim enjin na nakapaglilikha ng apoy. At mula noon hanggan sa ngayon, patuloy na lumala ang ating problema sa polusyon.

Mayroong tatlong pangunahing uri ng polusyon. Ang una ay ang polusyon sa hangin. Ito ay ang pagdumi o pagsira natin sa ating atmospera. Ito ay sinasabing may pinakadelikadong epekto dahil sa saklaw nito kahit ang ating pandaigdigang klima. Sinasabi rin na ito ay lumalaganap dahil sa apat na dahilan. Paglaki ng trapiko, pagunlad ng mga siyudad, mabilis na pag-usbong ng mga ekonomiya ng maraming bansa at ang industriyalisasyon.

Ilan sa sanhi nito ay maaring apoy, pagluluto o kaya naman ay sulpur dioxide na ating nilalabas sa hangin. Kabilang din ang mga kemikal na nagdudulot ng masasamang epekto sa atmospera sa mga sanhi ng polusyon. Ilang halimbawa nito ay SO2, NO2, SPM, lead at RPM.

Ngunit ayon sa mga eksperto, ang pinakamalaing sanhi nito ay ang pagsunog ng karbon at langis. Nangyayari ito dahil sa pagsunog ng langis o gasolina, ang lahat ng maruruming kemikal ay lumamalabas dito sa porma ng usok. Maapos nito, ang usok ay lumalabas at umaangat patunggo sa atmospera. Isang halimbawa nito ay ang mga sasakyang nagbubuga ng usok. Ang langis na ginagamit sa mga sasakyan ay sinusunog at nilalabas sa tambutso ng mga sasakyan. At matapos ilabas ang maruming usok na ito, aangat ito patunggo sa atin atmospera na nagiging sanhi ng pagkawasak nito.

Maraming nagiging bunga ang polusyon sa hangin. Isa rito ay ang ulang asido. Nangyayari ito kung may mga mapaminsalang kemikal tulad ng SO2 at NO ay napupunta sa ating atmospera at humahalo sa tubig ulan sa mga ulap. Matapos nito, mahuhulog ito sa lupa sa pormang tubig ulan at kung masydong mababa ang ph nito, ito ay nagiging ulang asido. Ang ulang asido ay maaring maging sanhi ng pagdumi ng mga lupa na maaring taniman, pagkasira ng ilang konkreto o semento sa mga gusali o kaya naman ay pagkasira ng balanse ng buhay sa mga dagat, ilog, lawa, batis at iba pang malalaking katawan ng tubig.

Isa pang bung ng polusyon sa hangin ay ang tinatawag na smog. Ito ay ang pinaghalong usok at sulpur dioxide na nakakasira sa hangin pati na rin sa ating kaalusugan. Ilan sa mga sakit na maaring idulot ng smog ay asma, empaysima, bronkaytis at maari din maging sanhi ng paguubo at mga alergies.

Isa pang bunga ng polusyon sa hangin ay ang pagtaas ng pandaigdigang temperatura. Ito ay sanhi ng pagkukumpol-kumpol ng CO2 at iba pang mapaminsalang kemikal sa atmospera na tinatawag na grinhaws gases. Nangyayari ang tinatawag na grinhaws efek kapag ang mga mapaminsalang kemekal o ang mga grinhaws gases ay nagkukumpol-kumpol sa ating atmospera. Dahil dito, ang init na mula sa araw ay kinukuha at iniipon ng mga grinhaws gases na ito imbes na bumalik ang init sa kalawakan. Kaya naman ang nagiging epekto nito ay mas nagiging maiinit at tumataas ang ating pandaigdigang temperatura. Kahit kaunting pagtaas lamang sa temperatura ay maarin nang magsanhi ng malaking kawalan ng balanse sa mga tao at hayop. Bukod pa rito, unti unti ring natutunaw ang mga yelo sa taas at baba ng mundo na nagiging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa atin. Kung di natin ito mapipigilan, maaring maging mas madalas ang pagbaha. Isa pang epekto ng grinhaws ay ang pagbabago ng ating pandaigdigang klima. Kaya inaasahang mas magiging malalakas ang mga darating na bagyo at mas magiging mainit at mahirap ang mga darating ng mga tagtuyot o El nino.

Isa pang bunga ng polusyon sa hangin ay ang pagkasira ng atmospera partikular ang startospera. Ang stratospera ang humaharang sa sinag at init ng araw upang di naman masyadong maging maiinit sa mundo. Dito natatagpuan ang ozone na isang manipis na leyer na siyang nagsisilbing harang sa mapaminsalang init ng araw. Nasisira ang stratospera kasama na rin ang ozone dahil sa mga mapaminsalang CFC of cloroflourocarbon. Dahil sa CFC, nasisira nito ang ozone at mas nakakapasok ang sinag ng araw sa ating daigdig partikular sa may bahagi ng Antartika. Kung hindi natin ito mapipigilan, maaring magsanhi pa ito ng mas mabilis na pagkatunaw ng yelo sa ating daigdig at maaring maging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Katulad ng grinhaws, maaring magsanhi ang mga CFC sa madalas na pagbaha at pagkasira sa pandaigdigang klima ng mundo.

Maraming maaring maging masamang bunga ang polusyon sa hangin hindi lamang sa ating kapaligiran ngunit pati na rin sa ating kalusugan. Ilan sa mga maari mong makuha ay kanser lalo na sa baga, asma, bronkaytis, panghihina ng baga, alergy, lagnat, paguubo, pagkairita sa mata, ilong o kaya naman sa ibang parte ng iyon katawan, numonya at pagkahina ng baga.

Ang ikalwang uri ng polusyon ay ang polusyon sa tubig. Ito ay ang pagdudumi sa mga katawan ng tubig sa ating daigdig. Kasama rito ang mga tubig alat tulad ng mga karagatan at dagat at mga tubig tabang kasama rito ang mga ilog, lawa, batis, talon at iba pa. Ngunit ayon kay David Krantz at Brad Kifferstein, ito ay nagaganap kung masyado ng maraming materyal o mga bagay ang napupunta sa isang katawan ng tubig. Masyadong maraming materyal at mga bagay na magdudulot sa isang katawan ng tubig na hindi na magawa ang mga tungkulin nito. Kapag nangyari ito, sinasabing ang tubig ay may polusyon na.

Maraming sanhi ang polusyon sa tubig. Isa dito ay ang seweyj. Ito ay ang tumutukoy sa lahat ng dumi na galing sa tao tulad ng ihi, dumi ng tao, at iba pang dumi na galing sa ating mga bahay. Madalas ang mga seweyj ay kinokolekta mula sa mga kabahayan at dinadala sa pamamagittan ng mga tubo upang ipunin. Ngunit kung minsan, ang mga sweyj na ito ay nadadala sa mga ilog at dagat na nagiging sanhi ng polusyon sa tubig.

Isa pang sanhi ng polusyon sa tubig ay ang mga pertilizer. Ang pertilizer ay mga produktong nagpapabilis sa pagpapalaki ng mga halaman. Merong dalawang klase ng pertilizer at ito ang organiko at di organiko. Ang mga organikong pertilizer ay nagtataglay ng karbon habang ang di organikong pertilizer naman ay hindi nagtataglay ng mga karbon. Nangyayari ang polusyon ng pertilezer kung maraming pertilizer ang mapunta sa mga katawang ng tubing lalo na sa mga ilog dahil sa ito ay malalapit sa mga bukid. Kung nangyari ito, maaring maapektuhan ang buhay ng ilang hayop sa ilog. Bukod pa rito, ang mga pertilizer ay maaring pabilisin ang paglaki ng mga halamang pantubig. Kung nangyari ito, masisira ang balanse ng buhay sa ilalim ng tubig. Maari rin nitong harangan ang ating mga irrigasyon na makakasira sa ating pagamit ng tubig. Maari ding komunsumo ng mas maraming oxygen ang mga halamang ito dahil sa mas marami sila at mas mabilis tumubo. Maari ding harangan ng mga halamang ito ang sinag ng araw sa ilalim ng tubig na maaring makaapekto sa pamumuhay ng mga hayop sa ilalim ng tubig.

Bukod sa seweyj at pertilizer, nariyan din ang mga duming galing sa mga industriya na maari ring magsanhi ng polusyon sa tubig. Ito ay ang mga duming nangaling sa mga planta at mga gusali at establishimentong may kinalaman sa pagiindustriya. Ang mga duming ito ay naglalaman ng mga mapaminsalang kemikal na maaring makasira sa isang katawan ng tubig. Sinasabing ito ang pinakamahirap na solusyuonan na problema sa polusyong tubig dahil sa ilang taon ang kailangang gugulin upang maayos lamang ang problemang sanhi ng duming galing sa industriya. Ilang halimbawa nito ay ang pagtapon ng langis sa tubig na kadalasan ay nagaganap dahil sa paglubog ng mga barkong may dala nito. Isang halimbawa nito ay ang paglubog ng MV Solar I sa Guimaras na naging sanhi ng pagkasira ng lawa doon. Bukod pa rito, maraming isda, iba pang hayop na pantubig at mga halaman ang namatay. Naapektuhan din nito ang pamumuhay ng mga tao doon dahil sa maraming mangingisda ang hindi na makahuli ng isda kaya nawalan sila ng kita.

Ngunit hindi naman lahat ng sanhi ng polusyon sa tubig ay gawa ng tao. Mayroon din tayong tinatawag na natural na sanhi. Isang halimbawa nito ay ang mga trahedyang nangayayri tulad ng pagputok ng isang bulkan. Sa ganitong pagakaktaon, nagalalabas ang bulkan ng mga nakakapinsalang kemikal tulad ng sulpur na maaring maging sanhi ng polusyon sa tubig. Nangyayari ito kung ang mga pirasong inilabas ng bulkang sumabog ay mapupunta sa mga katawan ng tubig. Maari itong magsanhi sa pagkamatay ng mga isda, halaman at hayop na pantubig. Hindi lamang ito nagdudulot ng polusyon sa tubig dahil sa kaya rin nitong magdulot ng polusyon sa hangin pati na rin sa lupa. Isang halimbawa nito ay ang pagputok ng Bulkang Pinatubo sa Pampanga. Dahil sa trahedyang ito, maraming namatay at maaraming pananim ang nawasak. Nagkaroon pa ng tinatawag na lahar na siyang nakapagdulot ng polusyon sa tubig at lupa. Maging ang pagsabog ng bulkan ay nagdulot ng pagkahalo ng ilang nakapipinsalang kemikal sa atmospera na naging dahilan ng polusyon sa hangin.

Isa pang halimbawa ng mga natural na sanhi ay ang mga bagyo. Dahil sa bagyo, natatangay ang ilang materyal na maaring madala sa mga katawan ng tubig. Nariyan din ang mga pagbaha na siyang naghahatid ng mga nakapipinsalang kemikal tulad ng mga insektisayd, pestisayd at pertilizer sa mga ilog at karagatan.

Sinasabing halos lahat ng karagatan sa daigdig ngayon ay madumi. Kaya naman marami itong nagiging masamang bunga sa atin. Isa na dito ay ang pagkamatay ng mga isda at mga hayop na pantubig. Maari itong maganap dahil sa mga duming napupunta sa tubig tulad ng sewayj, mga pestisayd, pertilizer o kaya naman mga duming galing sa mga establshimentong pangindustriya. Kung ang mga duming ito ay napunta sa tubig, maaring malason ang ilang isda at maaring maging sanhi ng kanilang pagkamatay. Bukod pa rito, maari ring maging bunga ng polusyon sa tubig ang kawalan ng tubig na maari nating inumin. Ito ay kasalukuyang nangyayari sa ibang parte ng mundo kung saan walang mainom ang mga tao dahil sa masyado ng madumi ang kanilang tubig na dating iniinuman. Kapag nangyari ito, maari itong maging sanhi ng kamatayan sa mga tao o kaya naman mga mapanganib na sakit lalo na kung madumi ang iyong maiinom na tubig.

Ilang pang bunga o epekto ng polusyon sa tubig ay ang pagkasira ng ilang sisterma ng irigasyon. Maari din kasing madumihan ang mga tubig na nagsisilbing tubig ulan sa mga bukid at kung nangyari ito, maapektuhan ang produksyong pangagrikultura. Bukod pa doon, maari ding magbunga ang polusyon sa tubig ng mga sakit. Ilan dito ay kanser lalo na kung masyado ng kontaminado ang iyon tubig at mga sakit na may kinalaman sa genetika o sa ibang salita, iyong mga namamanang sakit.

Ang isa pang uri ng polusyon ay ang polusyon sa lupa. Ito ay ang pagdudumi sa lupa o paglagay dito ng mga mapaminsalang kemikal na maaring makasira sa kakayahan ng lupang magpalaki ng mga halaman.Kung ating titignan, talgang marami itong sanhi at bunga dahil sa isa ito sa pinakalaganap na uri ng polusyon.

Isang sanhi nito ay ang mga tinatawag na solidong dumi. Kasama rito ang mga solido o mga konkretong kagamitan tulad ng mga basura, papel, plastik, metal, kahoy at ilan pang dumi. Ang mga solidong duming ito ay madalas ay nakakalat lamang o kaya naman ay tinatapon sa mga tinatawag na dampside o landfil. Kung minsan, nagiging sanhi ito ng mga sakit dahil sa ang mga solidong duming ito ay nagtataglay ng mga bakterya na maaring makasama sa ating kalusugan at maaring maging sanhi ng mga sakit. Bukod pa rito, maari ring pamugaran ng mga peste ang mga solidong duming ito lalo na ng mga langaw, ipis at daga. Kung mangyayari ito, mas magiging madalas ang mga sakit at mas magiging mabilis ang pagkalat nito.

Isa pang maaring maging sanhi ng polusyon sa lupa ay ang maling sistema ng irigasyon. Ang irigasyon ay ang sistema ng paglalagay ng tubig sa mga lupa upang makatanim ng mga halaman. Ito ay madalas ginagawa upang panghalili sa tubig-ulan lalo na sa mga lugar na tuyot at bihira lamang ang ulan. Kung minsan, kung magkakamali at magkaroon ng problema sa isang irigasyon sa isang partikular na lugar, maari itong magsanihi ng pagdumi sa lupa. Isang halimbawa nito ay kung minsan, sa mga lugar na may maling sistema ng irigasyon, maaring masobrahan sa asin ang lupa. Kung mangyari man ito, maaring magsanhi ito ng pagkasira sa lupa at sa kakayahan nitong magpalaki at suportahan ang isang halaman.

Marami pang sanhi ang pagdumi sa lupa at isa dito ay sa larangan ng agrikultura. Ang pagamit ng mas maraming pertilizer at pestisayd ay maari ring makasira sa lupa. Dahil sa ang mga bagay na ito ay nagtataglay ng mga nakapipinsalang kemikal na maaring maapektuhan ang lupa. Sa larangan naman ng pagmimina, ang pagamit ng mga dinamita upang makapangmina ay nakasisira sa lupa. Dahil sa naapektuhan nito ang natural na porma at istraktura ng mga lupain. Kung sisirain ang mga ito, maaring mamatay ang mga hayop na nakatira sa mga lupang ito at masira ang balanse ng buhay sa partikular na lupang siyang pinagmiminahan.

Maari rin maging sanhi ng polusyon sa lupa ang mga sewayj. Hindi lamang nakakaapekto ang sewayj sa mga katawan ng tubig, nakakaapekto rin ito sa mga lupain at pananiman. Kung sumobra ang mga duming dulot ng mga sewayj na ito, maari itong magdulot ng pinsala sa mga maliliit na organismong nabubuhay sa lupa. Kung mamamtay ang mga organismong ito tulad ng mga bulate, bakterya at funji, maari nitong mabawasan ang kakayahan ng lupang suportahan ang pamumuhay ng mga halaman dito.

Ang ulang asido ay maari rin maging sanhi ng pagdumi sa lupa. Dahil sa mataas ang ph ng ulang asido, maari nitong pataasin ang ph ng lupa kung saan ito tatama. Kaya naman kung mataas ang ph ng lupa, maari itong magkaroon ng mga reaksyong pangkemikal na maaring makasama sa halamang nakatanim doon o kaya naman sa mga maliliit na organismong nakatira sa lupa na siyang nakatutulong sa pagpapalaki ng mga halaman at pagpapalusog sa lupa.

Maraming masasamang bunga ang polusyon sa lupa. Kung nakapasok sa iyong katawan ang mga mapaminsalang kemikal na dala ng polusyon sa lupa. Maari itong mauwi sa mga sakit. Ang mga pestisayd at pertilizer ay nagtataglay ng mga kemikal na maaring magsanhi ng kanser. Bukod pa rito, maari din magsanhi ang lead ng pagkasira ng utak lalo na sa mga bata.

Kung nakakain ka naman ng mga halamang nakatanim sa isang lupaing puno na ng mga mapaminsalang kemikal, maari itong maging sanhi ng pagkasira ng iyong atay gayon na rin ang bato at apdo. Kung kontaminado naman ng merkuri ang iyong nakain o kaya naman ay nahawakan, maari rin itong maging sanhi ng pagkasira ng atay at pagkamatay. Maari ring maging sanhi ang benzene ng lukemya at ilan pang mapapanganib na sakit.

Marahil isa sa pinakalaganap na bunga ng polusyon sa lupa ay ang pagkamatay ng mga halaman. Maraming kemikal na makikita sa mga hindi organikong pestisayd, insektisayd at pertilizer ang may kakayahang pumatay ng mga maliit na organismong tumutulong sa mga halaman. Kung hindi ito tumigil at lalo pang nagpatuloy at lumala, maari itonng maging sanhi ng pagkamatay at pagkaubos ng mga halaman. Kung mangyayari man ito, maraming hayop at tao ang maaring magutom. Bukod pa rito, maaring masira ang kabuhayan ng mga magsasaka at mawalan sila ng kita. Apektado rin ang mga bansang tulad ng Pilipinas dahil maari nitong mabawasan ang mga kinikita ng bansa lalong lalo na ang mga agrikulturang bansa tulad ng Pilipinas.

Isang suliraning kinakaharap din ng daigdig na saklaw din ng pagdudumi sa lupa ay ang deporestasyon o ang pagkakalbo ng mga kagubatan. Napakahalaga ng mga puno dahil sa sila ang nagbibigay sa atin ng hangin na ating hinihinga upang tayo ay mabuhay. Ginagamit din natin ang mga puno bilang materyal sa pagawa ng mga bagay tulad ng mga upuan, lamesa at iba pang kagamitan. Bukod pa rito nababawasan din nila ang pagbabaha dahil sa sinisipsip ng mga ugat nito ang tubig na siyang namiminsala tuwing may pagbaha. Bukod pa rito, nababawasan niya ang epekto ng pagtaas ng pandaigdigang temperatura dito sa mundo.

Ngunit kung minsan ay sumosobra tayo sa pagamit ng mga puno at kung minsan ay hindi na tayo masyadong nagtatanim ng mga puno. Bukod pa rito, nagiging uso na ang pagsunog sa mga kagubatan at pagputol ng napakaraming puno. Kung ipagpapatuloy natin ito, maari nating maranasan ang mas matitinding baha dahil sa wala na ang mga punong maaring humigop ng tubig sa pagbaha. Bukod pa rito, mababawasan na ang ating ginagamit upang malinis ang ating hanging hinihinga. Dahil dito, lalo lamang lumalala ang polusyon sa hangin. Bilang parte ng mundong ito, kailangan ay magpakita tayo ng malasakit sa ating daigdig lalong lalo na sa mga puno natin.

Talagang napakalaki na ng ating problema sa polusyon. Kaya aking masasabing kailngan talagang malaman ang mga sanhi at epekto nito. Ngunit mas mahalaga ay matuto tayong bawasan ito.

Sa ating sitwasyon ngayon partikular sa Pilipinas, masasabi kong talagang malaki ang ating problema pagdating sa polusyon. Unang una ay hindi ito pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno kaya naman karamihan sa atin ay nawawalan na rin ng interes dito. Ang iba naman ay hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakikita ang tunay na sitwasyon natin tungkol sa polusyon. Ngunit kung gusto natin kahit papaano ay mabawasan man lamang ang problema dito ay kailangan ay magsimula tayo sa ating sarili.

Unang una dapat tayo ay matutong mag-recycle o gamitin muli ang mga bagay na pwede pa nating magamit. Makakatulong itong mabawasan ang tinatawag nating solidong dumi at mapapanatili nating malinis ang kapaligiran. Isa pa ay dapat matuto tayong umiwas sa mga produktong may nakapipinsalang epekto sa ating kapaligiran. Kasama rito ang mga CFC, insectisayd, pestisayd at pertilizer. Kasama na rin dito ang huwag masyadong pagamit ng mga hindi nabubulok na bagay dahil sa maiipon laman ang mga ito at magsisilbing dumi lamang sa ating mga lupain. Ipalaganap ang kaalaman. Para sa akin, dapat ay dagdagan pa ang pagbibigay ng edukasyon sa mga tao tungkol sa polusyon lalong lalo na ang mga bata dahil mas mainam kung bata pa lamang ay alam na ang mga dapat gawin upang tulungan ang kalikasan. Magtanim tayo ng puno. Kahit na paisa-isa lamang ay malaki na ang maidudulot nito sa ating kalikasan. Mahahalaga ang mga puno dahil sa nililinis nito ang hanging ating hinihinga at pinipigilan pa ang mga pagbaha. Magtipid sa lahat ng oras. Kailangan ay matipid tayo sa tubig at pati na rin sa ating mga kagamitan upang mabawasan naman ang mga kalat at dumi. Sumali sa mga proyektong naglalayong malinis ang ating kapaligiran. Mahalaga na tayo ay magpakita ng malasakit sa kalikasan upang magsilbi rin tayong modelo lalo na sa kabataan. At siguro, isa pang mainam na paraan ay displina sa sarili. Dapat lamang na tayo ay may disiplina para naman magawa natin ang ating mga hakbang para sa kalikasan.

Pangalawa, masasabi ko rin na mas mainam na pagkatapos nating bigyan ng disiplina ang ating mga sarili ay magsimula ng gumawa ng hakbang ang mga gobyerno. Unang una, dapat ay bigyan ng pansin ng gobyerno ang mga batas na naipatupad na at siguraduhing masusunod ito. Isang hailmbawa nito ay ang Clean Air Act na hindi naman masyadong nasusunod ng ibang mamamayan. Pangalawa, ipalaganap nila ang paglilinis at pagpapaayos sa kapaligiran. Dapat lamang na ipakita ng Gobyerno na ito rin ay may malasakit sa kalikasan para naman magaya ito ng mga mamamayan. At panghuli, dapat ay lagyan ng ngipin ang batas. Ngayon na siguro ang panahon upang ipatupad na ang mas mabibigat na parusa para lamang sa mga taong sumisira sa kapaligiran. Ito ay mainam para magkaroon ng disiplina ang mga mamamayan at matakot sinoman na may lakas ng loob na sirain ang kalikasan.

Makikita natin na napakalala na ng kalagayan ng ating inang kalikasan. Ngunit hindi natin ito binibigyan ng pansin. Dapat ay malaman natin na ang mundo, ang ating tahanan ay nahaharap sa isang malaking krisis sa polusyon. Kailangan ay simulan na nating tulungan ang ating tahanan. Kailangan ay magsimula tayo sa ating mga sarili at pagkatapos nito ay umaksyon naman ang mga may kapangyarihan ukol dito. Talagang mahirap ang kalagayan natin tungkol sa polusyon. Ngunit kung ngayon na tayo magsimulang magtulong-tulongan, naniniwala akong kaya nating lagpasan ang krisis na ito.

Monday, June 15, 2009

MY UNFORGETTABLE EXPERIENCE
When i was celebrating my 16th birthday,the birthday gift that I've been received from my loving parents is a trip to Cebu.First, my mother call me and tell me that my wishes be granted at this time.Second, my mother ask me if what i think and i said that i don't know.Third, my mother told me that their gift is a trip to Cebu.I'm very excited at that time.Lastly,when it is already my birthday we went to Cebu for our trip.I'm very happy at that time.When i arrived there we directly go stroll with my aunty,uncle and my cousins first we go to ayala mall and just have a window shopping and we go to a time zone place where in we play.Second we go to a china temple it is really my first time to see a china house with there god i think it is a Budha!third we go to SM and buy some food to eat.

Tuesday, June 9, 2009

ABOUT MYSELF When I'm 5 years old we had a picnic at Aquarius beach.First, we ride a Jeep from Kalugmanan to Aquarius beach.Second, when we already arrived at that beach, we directly displayed the food that we've brought.Third we've go to swimming and after that, we feel hungry and next,we've eaten our lunch.Lastly,we went home with an unforgettable experience and we've enjoyed our picnic. Name:Neva Jean Hing-on

Monday, June 1, 2009

research paper writing

1.Description of my research topic

breast cancer

2.use the following sites for references
A.google.com
B.alltheweb.com
C.webcrawler.com
3.email your blog address,
topic and names of members
at improgo_neil@yahoo.com
4.Assignment,activities and other task in english visit at www.neil-englishfun.blogspot.com

RESOURCES
1.breast cancer
2.causes
3.effects
4.symptoms
5.preventions
6treatments
7.diagnosis
8.who discovered breast cancer?
9.when was breast cancer first discovered?
10.History of breast cancer
11.statistics of breast cancer
12.types of breast cancer
13.genetic factors
14.Physiological factors
15.social factors
16.environmental factors
17.classification
18.screening
19.prognosis
20.epidemiology
21.psychopathology
22.cultural references
23.stagingLink24.Mechanism
24.Heredity
25.mutation

VIDEOS



PICTURES OF BREAST CANCER







OUTLINE
I.Breast cancer is a cancer that starts in the cells of the breast.
A.Worldwide, it is the 2nd most common type of cancer after lung cancer.
B.It is also the 5th most common cause of cancer death.

II.The causes of breast cancer that have been identified,one of them is sex,age and child bearing.
A.Alcohol intake is also cause of breast cancer.
B.Environmental factors
1.smoking
2.radiation
3.shiftwork

III.The common treatment of breast cancer.
A.Surgery
B.Hormonal therapy
C.Chemo therapy
D.Radiotherapy

IV.The symptoms of breast cancer.
A.Typically a lump that feels different from the surrounding.
B.Breast tissue lumps found in lymph nodes located in the armpits.
C.Changes in breast size.
D.Sharper skin dimpling.

V.Preventions of breast cancer.
A.Regular exercise.
B.Weight loss.
C.Avoidance of alcohol.
D.Stressors
E.toxic chemicals.